Intro
Tagalog • Tagalog

Maikling kasaysayan ng edukasyon sa Norway

©J.W. Cappelens arkiv©J.W. Cappelens arkiv

Hanggang sa kalagitnaan ng 1700s karamihan sa mga Norwegian ay hindi edukado. Iilan lamang ang nakakapag-basa at nakakapag-sulat.

Inisip ng simbahan na mahalaga para sa mga tao na mabasa ang Bibliya. Kaya, noong 1739, nakamit ng Norway ang una nitong Batas Sa Edukasyon (education act). Sa paaralan, natutunan ng mga bata ang pagbabasa at ang tungkol sa Kristiyanidad. Noong 1827, ang mga araling pagsusulat, matematika, at pagkanta ay sinimulan. Ang mga bata ay pinahihintulutang makapunta ng paaralan ng ilang linggo taun-taon. Ang kabataang nasa lungsod ay mas madalas na pumupunta ng paaralan kaysa sa kabataang nasa bukirin. Nagsisimulang mag-aral ang kabataan kapag 7 taon gulang na sila at natatapos sila sa edad na 14 taon gulang (at kinukumpirma sa simbahan.)

Noong 1936, pinasimulan ang 7 taong sapilitang (compulsory) pag-aaral. Subalit, hindi pare-pareho ang pag-aaral para sa lahat. Halimbawa, ang kalalakihan ay tinuturuan ng mas maraming matematika kaysa sa kababaihan, at ang mga kababaihan ay natututo ng pagbabahay at pagluluto.

Makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945), ang konsepto ng pagkapantay-pantay at patas na halaga ay napakahalaga sa lipunan ng Norway. Naipatupad din ito sa pag-aaral. Lahat ng kabataan ay dapat na bigyan ng edukasyon na may patas na halaga. Walang inilaang pagkaka-iba sa pagitan ng mga batang anak ng mayaman at batang anak ng mahirap. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay kapwa bibigyan ng parehong pagtuturo. Maging ang kanilang paninirahan sa bukirin ay hindi dapat magbigay ng kaibahan.

Noong 1969, ang sapilitang pag-aaral ay pinahaba sa 9 na taon, at noong 1997 ito’y pinahaba sa 10 para sa lahat.

©Olav Olsen/Scanpix©Olav Olsen/Scanpix

Ansvarlig for disse sidene J.W. Cappelens Forlag AS. Læremidlet er utviklet med støtte fra Utdanningsdirektoratet. Tilbakemeldinger: intro@cappelen.no