Intro
Tagalog • Tagalog

Langis

Sa kalagitnaan ng 1960, nagsimulang maghanap ng langis ang mga tao sa ilalim ng seabed ng Norwegian Sea. Hindi gaanong maganda ang ekonomiya ng Norway noong mga panahon na iyon, kaya’t mga dayuhang kumpanya ng langis ang nakibahagi sa pagsusubok na maghukay. Apat na taon silang naghuhukay na walang nahahanap na langis. Subalit, noong 1969 nakatama sila ng isang palangisan.

Ang unang palangisan ng Norway ay tinawag na Ekofisk. Makikita mo ang mga pangalan ng ilan pang mga palangisan sa mapa. Gaya ng nakikita mo, marami na ngayong palangisan sa baybaying karagatan ng Norway. Sa ngayon, Tanging Saudi Arabia lang ang mas maraming iniluluwas na langis sa Norway.

Pagmamay-ari ng estado ng Norway ang sarili nitong kumpanya ng langis. Tinatawag itong Statoil. Ang punong tanggapan ng Statoil ay nasa Stavanger. Maraming dayuhang kumpanya ng langis din ang may mga tanggapan sa Stavanger. Ang Stavanger ang oil city ng Norway.

Langis ang nagpayaman sa bansang Norway. Malaking porsiyento ng pera mula sa langis ang ipinupundar sa isang oil fund. Taon-taon ang perang nasa oil fund ay lumalaki nang lumalaki. Hindi nagkakasundo ang mga pulitiko sa Storting kung paano gagamitin ang pera ng oil fund. Ang ilan ay nais na gamitin ang pera para malutasan ang ilang problema sa Norway ngayon, habang ang iba naman ay nais na mag-impok hanggang sa maaari para sa kinabukasan.

Mga palangisan sa baybayin ng NorwayMga palangisan sa baybayin ng Norway

Ano ang mangyayari kung ang Norway ay hindi kumikita mula sa langis?

Ansvarlig for disse sidene J.W. Cappelens Forlag AS. Læremidlet er utviklet med støtte fra Utdanningsdirektoratet. Tilbakemeldinger: intro@cappelen.no