Intro
Tagalog • Tagalog

Mga pangkaraniwang hayop sa Norway

Ang Norway ay tahanan para sa maraming uri ng mga mailap na hayop. Karamihan ng mga hayop sa Norway ay hindi mapanganib sa tao, at ligtas nating magagamit ang mga kabukiran nang hindi natatakot sa mga mailap na hayop. Ang ilang mga hayop ay nakatira sa kagubatan, samantalang ang iba naman ay sa kabundukan. Tingnan natin ang ilan sa kanila:<0}

  • Mga oso
  • Mga squirrel
  • Mga elk
  • Ang lynx
  • Mga kuneho
  • Usa
  • Reindeer
  • Roe deer
  • Mga fox
  • Mga lobo
  • Mga adder

©Baard Næss/Samfoto©Baard Næss/Samfoto

Mga oso

Maraming uri ng mga oso. Ang uri ng oso na matatagpuan sa kalatagan ng Norway ay tinatawag na brown bear. Sa ngayon kaunti na lang ang natitirang brown bear sa Norway. Ang brown bear ay lumalaki ng hanggang 125 cm kataas sa balikat at tumitimbang ng hanggang 350 kg. Mga berry at halaman ang kanilang pangunahing kinakain, ngunit kumakain din sila minsan ng tupa.

Natutulog (hibernate) ang mga oso buong tag-niyebe (winter. Ang mga tulugan nila ay maaaring mga butas papailalim ng lupa o mga yungib (kuweba. Natutulog sila dito hanggang dumating ang tag-sibol.


©Asgeir Helgestad/Samfoto©Asgeir Helgestad/Samfoto
Mga squirrel

Ang mga squirrel ay natatagpuan sa kabuuan ng bansa, pero pinakakaraniwan sila sa mga lugar na may mga punong spruce o pine. Madaling kilalanin ang mga squirrel dahil sa kanilang malalaki at mabuhok na buntot. Ang buhok nila sa katawan ay mamula-mulang kayumanggi sa tag-init at mala-abong puti sa tag-niyebe. Nabubuhay ang mga squirrel sa mga mani at buto ng halaman o prutas, Kumakain din sila ng mga sisiw at itlog ng mga ibon. Ang ganap na malaking squirrel ay tumitimbang ng humigit-kumulang sa 1 kilo.


©Kjell-Erik Moseid/Samfoto©Kjell-Erik Moseid/Samfoto
Mga elk

Ang mga elk ang pinakamalalaking hayop sa mga kagubatan ng Norway. Madalas silang tawagin na “Hari ng Kagubatan. Ang suwag ng lalaking elk ay lumalaki ng mahigit sa 150 cm. Ang magulang na elk ay aabot sa 230 cm kataas sa balikat at tumitimbang sa pagitan ng 400 at 800 kg. Herbivore (halaman ang kinakain) ang mga elk.


©Asle Hjellbrekke/Samfoto©Asle Hjellbrekke/Samfoto
Ang lynx

Ang lynx ay mukhang malaking pusang-bahay at may katangi-tanging itim na kumpol sa kanilang mga tainga. Ang buhok nila ay mapusyaw na kayumanggi na may maiitim na bahagi at ang dulo ng kanilang buntot ay itim. Ang mga lynx ay nakatira sa mga magubat na lugar sa buong bansa hanggang sa Troms sa hilaga. Kadalasan silang 1 m kahaba. Maninila (predator) ang mga lynx. Kumakain sila ng mga ibon, mga kuneho at maliliit na daga, pero nakakakain din ng mga pusa at tupa.


©Steinar Myhr/Samfoto©Steinar Myhr/Samfoto
Mga kuneho

May halos 100 na subspecies ng kuneho sa mundo. Ang kuneho na naninirahan sa Norway ay lumalaki hanggang 60 cm kahaba. Ang mga kuneho ay may malalaking pang-itaaas na ngipin, mahaba at malakas na mga binti, maikling buntot at mahahabang tainga. Ang buhok nila at nagbabago ng kulay kasabay ng panahon, ito'y mala-abong kayumanggi sa tag-init at puti naman sa tag-niyebe. Matatagpuan ang mga kuneho sa buong bansa at dumadami sa mga kagubatan, sa kabukiran at sa mga kabundukan. Herbivore (halaman ang kinakain) ang mga kuneho.


©Helge Sunde/Samfoto©Helge Sunde/Samfoto
Usa

Ang usa ay matatagpuan sa mga kagubatan at sa mga gilid nito sa halos buong Norway. Sa tag-init ang balahibo nila ay pula, mala-abo o kayumanggi, samantalang ang kanilang balahibo sa tag-niyebe ay mas madilim at mas mala-abo. Herbivore (halaman ang kinakain) ang mga usa at lumalaki ng hanggang 125 cm kataas sa balikat. Ang mga lalaki ay may magagandang suwag. Ang royal stag ay kinikilala bilang isa sa pinakamagandang hayop sa kagubatan.


©Tom Schandy/Samfoto©Tom Schandy/Samfoto
Reindeer

Karamihan ng reindeer sa Norway ay mga maamong (domesticated) hayop, ngunit ang mga maiilap na reindeer ay nahahanap sa Svalbard at sa bulubunduking rehiyon sa timog (Hardangervidda, Dovre and Rondane. Ang mga reindeer ay kapamilya ng usa. Hindi gaanong lumalaki ang mga reindeer ng Norway. Ang magulang na reindeer ay karaniwang sa pagitan ng 107 cm at 127 cm kataas sa balikat. Kapwa lalaki at babaeng usa ay may mga suwag Herbivore (halaman ang kinakain) ang mga reindeer.


©Kjell-Erik Moseid/Samfoto©Kjell-Erik Moseid/Samfoto
Roe deer

Noon ang roe deer ay natatagpuan lang sa mga kagubatan at mga parang nga Silangang Norway, ngunit ngayon ay kumalat na sila sa halos buong bansa. Ang roe deer ay kapamilya ng usa. Ang mga lalaki ay may suwag. Ang magulang na roe deer ay sa pagitan ng 64 at 89 cm kataas sa balikat at tumitimbang lamang ng 23 kg. Herbivore (halaman ang kinakain) ang roe deer.


©Baard Næss/Samfoto©Baard Næss/Samfoto
Mga fox

May halos 20 na subspecie ng fox sa mundo. Ang pinakakaraniwan sa Norway ay ang red fox. Nakatira sa mga kagubatan ang mga fox. Naninirahan sila sa mga pugaran. Ang pugaran ay isang butas sa ilalim ng lupa. Lumalaki ang mga fox ng hanggang 75 cm kahaba. Mayroon din silang mahahaba, at magagandang buntot na umaabot ng 50 cm kahaba. Ang balahibo nila ay halos mamula-mulang kayumanggi lahat, pero puti sa kanilang tiyan at sa dulo ng kanilang buntot. Maninila (predator) ang mga fox. Kumakain sila ng bubwit, kuneho, ibon at isda. Kumakain din sila ng mga berry sa gubat.


©Baard Næss/Samfoto©Baard Næss/Samfoto
Mga lobo

Kapamilya ng aso ang mga lobo. Sila’y batik-batik na kulay abo na may puting tiyan. Ang mga lobo ay napipintong maubos at sa ngayon ay iilan na lamang ang nalalabi sa bansa. Ang mga lobo ay karaniwang nabubuhay at naghahanap ng makakain nang sama-samang 6 hanggang 8 lobo. Naninirahan sila sa magugubat na lugar, karamihan sa mga rehiyong malapit sa Sweden.


©Kjell-Erik Moseid/Samfoto©Kjell-Erik Moseid/Samfoto
Mga adder

Mga adder lamang ang uri ng nakalalasong ahas na likas sa Norway. Madaling kilalanin ang mga adder dahil may zigzag na guhit sila sa kanilang likuran. Kumakain ng daga at maliliit na hayop ang mga adder. Nanunuklaw lamang sila kapag natakot. Kung ikaw ay matuklaw ng adder, dapat kang maghinay-hinay hangga’t maaari at humanap ng tulong medikal.

Ansvarlig for disse sidene J.W. Cappelens Forlag AS. Læremidlet er utviklet med støtte fra Utdanningsdirektoratet. Tilbakemeldinger: intro@cappelen.no